Sa una natuwa ako sa mga ipinapakita mo,
Sabi mo kasi mahal mo na ako,
Pero sana bigyan mo ako ng konting panahon,
Hindi naman kasi ganoon kadali ang magdesisyon.
Mahal kita pero ayaw ko munang maging tayo,
Baka kasi lokohin mo lang ako,
Alam mo naman na ayaw ko nang masaktan pa,
Kaya naman kung pwede magseryoso ka sana.
Ngayon aaminin ko na ang totoong nararamdaman ko,
Ngunit baki nawala ka at tumigil sa panliligaw mo?
Sadya bang natagalan ka lang sa desisyon ko?
O baka naman wala lang sayo ang...
Sino nga ba ako sa buhay mo?
Isang kaibigan o ordinaryong tao lang sa paningin mo?
Yung tipong pwede mong baliwalain kung kelan mo gusto,
Kasi nga para sayo wala lang ako.
Alam kong hindi ka sensitibo sa nararamdaman ng iba,
Pero kahit konti sana magbigay ka ng halaga,
Para naman lahat ng sakripisyo at hirap ko magkaroon ng kwenta,
At hindi masabing nauwi lang sa wala.
Hindi naman ako nagagalit o nagrereklamo, (weh?)
Alam mo naman na hindi magsasawa sa pagmamahal sayo, (di nga?)
Hindi rin ako hu...
Kung alam mo lang ang pakiramdam,
Sabagay kasi wala ka namang alam,
Pag nawala kaya ako malulungkot ka?
Pag namatay ba ko iiyak?
Gusto ko ng sumuko,
Pagod na pagod na ko,
Wala na rin namang saysay ang buhay ko,
Wala na rin namang tsansang magbago.
Bakit ba kasi hindi pwedeng mamili?
Bakit kailangang laging talo sa bandang huli?
Sana hindi na lang sinimulan,
Wala rin namang kwenta ang katapusan.
Sawang-sawa na kong umiyak,
Ayoko ko nang umasa,
Maghihintay na lang ako ng kamatayan,
Baka sakaling n...
Isa lang ako sa mga taong nakapaligid sayo,
Minsan ay malapit ngunit kadalasan ay nasa malayo,
Pasimpleng nakatanaw at minamasdan ang kilos mo,
Umaasang darating ang sandali na kakailanganin mo ang tulog ko.
Marahil ay nagtataka ka kung sino ba talaga ako,
Kung bakit ayoko na mawala ka sa paningin ko,
At kung bakit ganun-ganon na lang kung ako aya magsakripisyo,
Halos buong buhay at panahon ko'y inialay ko na sayo.
Isa lang ako sa mga ordinaryong taong nakakasalamuha mo,
Kabilang din ako sa mga ...
Mahirap magsulat kung wala ka nang maisulat,
Para bang sa inspirasyon ikaw ay salat,
Gustuhin mo man wala ka nang magagawa,
Pilitin mo man wala ka ring mapapala.
Mahirap magbigay kung lahat na ay naibigay,
Ano pa kaya ang sa kanya'y pwede mong ialay,
Para naman kasing hindi nya napapansin,
Kahit na nga ang lahat ay kinaya mong tiisin.
Mahirap magsakripisyo kung wala na ang lahat sayo.
Halos wala na kasing natira para sa sarili mo.
Wala lang sayo ang mahirap ka,
Basta ang mahalaga sumaya sya.
Mah...