Pamantayan by KJah | Rakista Live EP395
Category : Rakista Radio
Posted by Mr Grimm  . Jan 6
0 favorites
40 views
0 likes
0 comments
Video Description
KJah x JussRye Performs "Pamantayan" live at Rakista Radio.

KJah Facebook:
https://www.facebook.com/pahinanikjah/

Join our community:
http://rakista.com

Social Media:
https://www.facebook.com/rakistaradio
https://www.facebook.com/rakistasite
https://www.facebook.com/rakrakanfestival
https://www.instagram.com/rakistaradio
https://www.twitter.com/rakistaradio

Please SUBSCRIBE for more videos:
https://www.youtube.com/RakistaRadio

A Ridzpit Empyrean Co. Production (R.E.C.)
Book Artists | Event Production & Consultancy | Music & Video Production | Social Media Services | Rakrakan Festival & Partnership | Website Design, Hosting & Management | Advertise with Rakista Radio
http://recph.com

Lyrics:

" Pamantayan "

I
Naabutan na raw ng tunog moderno, napag iwanan sa kasalukuyang duelo, Pag ang bitaw di ganito, hindi ka miyembro Daladala mo man ang nararapat pakinggan, etsapwera ka pag di ka parang naghahabol hininga Naging paligsahan ng pababawang bitbit Patok na ang pag awit ng parang humihilik Di maitatanggi, ang angking kaastigan Sabe ng isang taga hangang talon ng talon, pumapalakpak kahit hindi naintindihan. Nagbabalik ang sundalo Oras na para sumargo Ubos na pasensya ng amo ko Tinaya na ang pato't pananggulo Mano manong pag embalido Malawakang pag embalsamo Asido galing sa laway, magpapatunay sa pekeng pagkatao nyo! Paninindigan ang sigaw (hoy!) Huli na para bumitaw (whoo!) Pinaghirapan ang pagtatanim wag hahayaang magbunga ng hilaw Tatlong palapag, medyo babala itong pagbati sa una. Wag nang umapila kung ang tugon lamang ay paulit ulit na tema. (Pwede ba!)

Hook: Pasensya na kung ang dating sayo ay masakit Parehas lang ang pagbanggit natin sa malupit Kanya kanyang henerasyong pinaghahawakan Ngunit wag kaligtaan ang tamang pamantayan (Wag!)

II
Ano ba to pahusayan sa diksyunaryo o paangasan pumoste sa litrato? Panay reklamong bara sa kabulukan ng estado sabay hingi ng proyekto sa kandidato, asa sa pondo Bat di natin palakasin ang talento, magpakita ng matibay na prinsipyo Kapag nagsimulang pumasok ang premyo ikaw ang nagdikta sayong direksyon at hindi ka kontrolado. Yun nga ang kaso, halos kalahating pursyento, ingrato, uto-uto at hindi sistemado. Inuunang magpagarbo, magpatitulo, imahe at disenyo kesa aralin ang wikang pilipino bat hindi talino? Wag nang magtaka kung bakit ginagago, kinekengkoy at hindi sineseryoso. Likha ng pansamantalang ganansya, panandaliang panalo imbes na panghabambuhay na respeto. Ibalik ang koro!

Hook: Pasensya na kung ang dating sayo ay masakit Parehas lang ang pagbanggit natin sa malupit Kanya kanyang henerasyong pinaghahawakan Ngunit wag kaligtaan ang tamang pamantayan (Wag!)

III
Manawari, kailanma'y di masaid. Hanggang dulo ay may salitang mapisil, Saking isip, imortalidad ng bagsik Ang pagiging alamat ang natatanging kapalit. Kada kinakabit mga kataga pilit hinahapit di pwedeng makitaan ng butas pag may sinasambit Katapusan ng mga mahihina ay nalalapit Sarili lang ang kinakatakutan at syang dadaig Hinulma ng hamon, pagunawa na pinagkait Nagpalaki ng ambisyon ang kanilang panliliit Sa rehas o libingan lamang daw ako mauuwi Ako ang nagkulong at tumapos sa kanilang mali Papaikli ang buhay kailangan kong magmadali Solidong pahiwatig, walang sinasayang na pantig Tubong kalookan tinig na inyong nadirinig, patay malisya mga palihim na nananabik.

Laslas leeg saming madaratnan, brutal ang hatol nang hindi tularan. Pag angat ng antas ngayon sisimulan, At ang aarte arte ay bibigwasan Katay angmga manipulador pag pinatulan mo ay hindi naman makasabay, Sa entablado pumanik kala mo para lang magwasiwas ng kamay Malamang mangayaw sa sindak ngayong pinakitaan ng talasalitaan, ito ang halimbawa pag alam mo ang tamang pamantayan.

Hook: Pasensya na kung ang dating sayo ay masakit Parehas lang ang pagbanggit natin sa malupit Kanya kanyang henerasyong pinaghahawakan Ngunit wag kaligtaan ang tamang pamantayan (Wag!)

#KJahXJussRye #Pamantayan #RakistaRadio