Hindi Susuko by KJah | Rakista Live EP394
Category : Rakista Radio
Posted by Mr Grimm  . Jan 6
0 favorites
37 views
0 likes
0 comments
Video Description
KJah Performs "Hindi Susuko" live at Rakista Radio.

KJah Facebook:
https://www.facebook.com/pahinanikjah/

Join our community:
http://rakista.com

Social Media:
https://www.facebook.com/rakistaradio
https://www.facebook.com/rakistasite
https://www.facebook.com/rakrakanfestival
https://www.instagram.com/rakistaradio
https://www.twitter.com/rakistaradio

Please SUBSCRIBE for more videos:
https://www.youtube.com/RakistaRadio

A Ridzpit Empyrean Co. Production (R.E.C.)
Book Artists | Event Production & Consultancy | Music & Video Production | Social Media Services | Rakrakan Festival & Partnership | Website Design, Hosting & Management | Advertise with Rakista Radio
http://recph.com

Lyrics:

" Hindi Susuko "

Paano nga ba ulit ito sisimulan
Awit na kay tagal ko nang hinintuan
Bahala na kung hindi nila magustuhan
Mahalaga'y masabi ko eksaktong nilalaman
Katinuan hinahanap ko kung nasaan
Nang makilala ka'y hindi ko maintindihan
Ang mga pananaw na aking nilagdaan,
binalewala at ikaw na lamang naging batayan.
Masalimuot na bahagi ng pagibig
Ang pagtatalo ng puso at isip
Ayaw mo na sa reyalidad, ngunit pagpikit ay kapiling mo pa rin sa panaginip
Tulad natin na palagi ang tampuhan
Pagtatalo na nauuwi sa hiwalayan
Parang may sakit na kalimot pag nagkita't nagkayakap lalo na't masimulan pa ang tawanan


II
Bukas ikaw ang panalo.
Mamaya ay ako naman.
Sisihan at sagutan, walang kinapupuntahan.
Isip lang ba'y pambata? Kaya di magkasundo?
Parehas na sitwasyon sa iba kinahinatnan ng sumuko.
Ika ng matatanda, parte to ng paghahanda
Sa mas mabigat na pagsubok na di natin inakala
Hihigpitan ko pa ang kapit, para sakin ang pinakamabigat
Na hamong kakaharapin ay ang mawala ka hindi ko na
maisip maghanap at ulitin ang lahat ng pangyayari

III
Mahal kita, kahit gaano kagalit, tuwing bwisit binabalaang pagpapalit,
sa huli sakin ka pa rin dumidikit, tinig ko lang ang tangi mong nais marinig.
Paumanhin kung minsan ay napakakulit
Siyang dahilan bakit ulo mo'y umiinit
Gusto ko lang samantalahin at masulit bawat segundo na kasama ka sabay halik!
Sa dinami-dami ng anomalya, tamang hinala saki'y nagpapakaba,
di maiwasan pag sakin ay malayo ka, hanggang may magsasabing
bukambibig mo'y walang iba kundi ako.
Wala ka nang ibang hangarin,
maski na tutol lahat ng nakapaligid satin Anumang gusot ay pagtutulungang ayusin
Bastat sa kinahapunan ikaw ang kasalo ko kumain.

CHORUS
‘Di kakayanin na magpanggap at iwasan ang tunay na nararamdaman.
‘Pagkat ikaw ang pinili ng puso, hindi ako susuko. (2X)

#KjahXJussRye #HindiSusuko #RakistaRadio