A Ridzpit Empyrean Co. Production (R.E.C.) Book Artists | Event Production & Consultancy | Music & Video Production | Social Media Services | Rakrakan Festival & Partnership | Website Design, Hosting & Management | Advertise with Rakista Radio http://recph.com
Lyrics:
"DI KO KAYANG TANGGAPIN"
Kahapon lamang ay kaysarap Ng ating pagmamahalan Ang sabi mo pa, pag-ibig mo'y walang hanggan
Kahapon lamang tayo ay nagsumpaan Ang sabi mo pa, ako'y di mo iiwan Ngunit bakit ngayo'y nagtatapat Na mayroong ibang mahal At sinabi mo pa na mas mahal mo siya Kaysa sa akin
Nagdurugo ang puso ko dahil sa sinabi mo Nais kong magmakaawa sa 'yo Suyuin ka, pilitin ka Na ako'y muling mahalin
Di ko kayang tanggapin Na mawawala ka na sa akin Napakasakit na marinig Na ayaw mo na sa akin
Hapdi at kirot Ang dulot sa 'king damdamin Di na ko kayang mabuhay sa mundo Kung mawawala ka sa piling ko