EMANON by Morphine Kings | Rakista Live EP101
Category : Rakista Radio
Posted by Rakista Radio  . Jul 24
0 favorites
126 views
0 likes
0 comments
Video Description
DESCRIPTION:

Morphine Kings Performs "EMANON" live at Rakista Radio.

Morphine Kings Facebook:
https://www.facebook.com/morphinekingsofficialpage/

Join our community:
http://rakista.com

Social Madia:
https://www.facebook.com/rakistaradio
https://www.facebook.com/rakistasite
https://www.facebook.com/rakrakanfestival
https://www.instagram.com/rakistaradio
https://www.twitter.com/rakistaradio

Please SUBSCRIBE for more videos:
https://www.youtube.com/RakistaRadio

A Ridzpit Empyrean Co. Production (R.E.C.)
Book Artists | Event Production & Consultancy | Music & Video Production | Social Media Services | Rakrakan Festival & Partnership | Website Design, Hosting & Management | Advertise with Rakista Radio
http://recph.com

Lyrics:

"Emanon"


043 get up, get up, get up!

Uno!
Dos!
Tres!
Kwuatro!
Singko!
Sais!
Syete!

043! yeah! yeah

Kami'y mula sa lugar ng balisong at barakong kape!
Kami'y mula sa lugar ng balisong at barakong kape!

Anong ingay yun pwede bang pakilakasan
Kung tugtugan ay volume,walang hinaan
Sige tala-arawan bumilang ka at itara mo
San man lapagan ay yayanig lahat pag bira ko
Marinig ako na parang boses dambuhala
Kung pano mapapagalaw sa kinatatayuan akong bahala
Pinagpala bukabularyo'y pinapala
Nakakasa na mga pandiwa na sa dila ko ibinabala
Pag kinalabit sige saluhin,sige tanungin
Kung gano kataas aking agwat at pano mo tatalunin
Sharp like a balisong teka di bale tsong
Pano ka lalaban kung ikaw ay imbalidong tanga!
Malayo to sa 'yong karaniwang kinasanayan
Sa katunayan isa ako sa bumabago ng kasaysayan
Kung ako ay paaralan ay di mo pwede na libanan
Ang medalya't katibayan,masigabong palakpakan

Kami'y mula sa lugar ng balisong at barakong kape!
Woah oh! I hail from the city of the iron balisong
Kung saan naging matalas
Kusa nang naging maangas
Ala eh eh eh eh eh eh!

Woah oh! I hail from the city of the iron balisong
Kung saan naging matalas
Kusa nang naging maangas
Ala eh eh eh eh eh eh!


Ako yung nunong malahigante pag tinapakan ay pisa ka
Ako iyong gurong hindi sumusulat sa pisara
Kapitapitagan kahit na walang laman pitaka
Mga letra ko'y sinesepra binigkas ko ay pinaplaka
Luwag aking turnilyo,nagkasapak nagkatoyo
Pero lalo pa lalong bumangis,bilis at lalo lang tumuno
Pronto! Ako ay isang henyo ikaw ay tonto
Ang punto hindi ka makakalamang kahit tumira ka ng todo
Ako ay lobo na handang mangagat
Ikaw yung lobong sobrang hangin na di umangat
Walang katapat, lapat, lahat ng banat ko'y sapat
Alam kong gusto mo ito kahit walang pamagat
Sa yo'y walang kumagat na parang lahat ng nakinig ay bunga
Ako yung puno na nakatayo ikaw yung puno na nabuwal
Kung bakit palagi na lamang na parang wala nang hanggan ang mga
Gustong sumira,masdan kung pano sila ngumanga

Kami'y mula sa lugar ng balisong at barakong kape!
Woah oh! I hail from the city of the iron balisong
Kung saan naging matalas
Kusa nang naging maangas
Ala eh eh eh eh eh eh!

Woah oh! I hail from the city of the iron balisong
Kung saan naging matalas
Kusa nang naging maangas
Ala eh eh eh eh eh eh!

From the city of!
From the city of!
From the city of!
iron balisong!
From the city of!
From the city of!
From the city of!
iron balisong!

Ako'y kamay ni juan luna, gumuguhit sa puting tela
Ikaw yung pilit simisigaw sa tapat ng binging tenga
Ako'y makabagong satellite, ika'y putol na antena
Ako'y malinaw na tattoo ika'y kumukupas na hena
Samakatuwid hanggang sa makatawid
Madami man ang tumatakid ako'y lalakad ng tuwid
Ikaw ay nagmadali kaya nung matinik ay malalim
Ako ay naghintay kaya matinik at malalim
Sige sisirin mo sarili mo sisihin mo
Kung di mo maunawaan ay ito na lang susuhin mo
Mga patinig katinig na lumulupig
Ako ay truck na humahatak ikaw ay lubid na tubig
Doobie ng doobie 'gang mata ko ay lirang-lira
Titigil yong mundo parang relo na sirang-sira
Papel mo ay basang-basa, diskarte mo'y basang basa
Hoy mongol na mapurol ako'y matulis at bagong tasa
Mga tampalsang tinapakan ng talampakan
Sa talampas ay ibinaon ko ng may anim na talampakan
Anak ng pitumpo't pitong puting pating
Iisa lang istilo mo ako'y may pitumpo't pitong dating

Mga apo ni mabini di kaylangan ng saklay!
Mga apo ni mabini di kaylangan ng saklay!
Mga apo ni mabini di kaylangan ng saklay!
Mga apo ni mabini di kaylangan ng saklay!

Woah oh! I hail from the city of the iron balisong
Kung saan naging matalas
Kusa nang naging maangas
Ala eh eh eh eh eh eh!

Woah oh! I hail from the city of the iron balisong
Kung saan naging matalas
Kusa nang naging maangas
Ala eh eh eh eh eh eh!

Woah oh! I hail from the city of the iron balisong
Kung saan naging matalas
Kusa nang naging maangas
Ala eh eh eh eh eh eh!

Woah oh! I hail from the city of the iron balisong
Kung saan naging matalas
Kusa nang naging maangas
Ala eh eh eh eh eh eh!