" />
Request Successful
Your request has been submitted and should be played shortly. Thank you! Would you like to add a dedication?
Aking Mahal
You need to to listen and request a song.
Lyrics
AKING MAHAL



Verse 1:

Mula umaga hanggang sa pagtulog
Ikaw ang nakikita
Maging sa pag gising ika'y naalala
araw araw ay nasa isip ka

Huwag kang magalit
kung panay ang pasok ko sayong panaginip
ang gusto ko lang naman ay makasilip
sa maamo mong mukha't makalapit


REFRAIN:
Ika'y kape sa umaga 
At ngiti mo ang gustong timpla
Pakinggan itong awitin at ako'y may sasabihin...

Chorus:
Minamahal kita Oh akin ka lang
Pangarap ko'y ikaw ang pakasalan
Ika'y aalagaan at hindi iiwanan 
Pagkat ika'y akin.




Verse 2:
Ako'y maswerte dahil sa dinami dami ako ang napili
ng isang katulad mong walang ka arte arte
mapunta ka sa iba'y 'di pwede



REFRAIN:
Kay sarap namang titigan
Ng iyong matang kumikinang
Tabi ka lang sakin
At saba'y nating awitiiiin


Chorus:
Minamahal kita Oh akin ka lang
Pangarap ko'y ikaw ang pakasalan
Ika'y aalagaan at hindi iiwanan
Pagkat ika'y akin.

Rap:
Swerte kung tawagin mula ng mapasakin
Ang aking binibini na sagot saking dalangin
At dahilan kung bakit may kabuluhan ang buhay
Walang hanggang pagibig ay ikaw ang syang patunay
Alay ko ang buhay at pagibig ko sayo 
Mula nang aking malaman na akoy para sayo
Mga pangarap koy binubuo ko ng ksama ka
Pagkat ikaw ang pangarap na bumuo sakin sinta
Pangakong iingatan, hindi pababayaan
Sa sagana man o hirap ito ang panghawakan
Kung magkulang ma'y babawi upang init manatili
Sa pagod moy papawi aalalayan kung sakaling
Mga tuhod moy mahina at di nako maaninag 
Ngalan koy di maalala at ligod di na maunat
Kung sa pagngiti makunat na narito parin ako 
Yan ang asahan mo

Bridge:
Sasamahan hanggang sa pagtanda
Kakantahan nang nasa tabi ka
Alay ko sa iyo itong harana
Ito ay patunay na....

Chorus:

Minamahal kita Oh akin ka lang
Pangarap ko'y ikaw ang pakasalan
Ika'y aalagaan at hindi iiwanan
Pagkat ikay akin 3x
Aking mahal
.....
Show More
There is no dedication on this song yet.