Request Successful
Your request has been submitted and should be played shortly. Thank you! Would you like to add a dedication?
Ozone (Itulak Ang Pinto)
You need to to listen and request a song.
Lyrics
Itulak ang pinto, papasok sa sayawan
Sa gabing ito'y may isang inaasahang
Makasayaw at makapiling hanggang kinabukasan

Mabubuo ang alaala, mapapaso ang kaluluwa
Basang basa ng pawis dahil sa arsonista kong mata
Magliliyab kapag ako'y lumapit ng tuluyan

Sunugin natin ang ating mga paa
Dagitab ng bawat padyak ay nadarama
Sunugin natin ang ating mga paa
Dagitab ng bawat padyak ay nadarama

Tinulak ang pinto ng ilang kaibigan
May kumalat sa loob, lahat ay nagsitakbuhan
Isang daan kaming lumalayo mula sa kamatayan

Mabubura ang alaala, mapapaso ang kaluluwa
Basang basa ng pawis ang nakita ng aking mata
Naging abo ang ating buhay at pag-ibigan

Sunog ang katawan ulo hanggang paa
Dagitab ng bawat isa ay nadarama
Sunog ang katawan, ulo hanggang paa
Dagitab ng bawat isa ay nadarama

Sunugin natin ang ating mga paa
Dagitab ng bawat padyak ay nadarama
Sunugin natin ang ating mga paa
Dagitab ng bawat padyak ay nadarama

Itulak ang pinto
Itulak ang pinto
Itulak ang pinto
Itulak ang pinto
Itulak ang pinto
Itulak ang pinto
.....
Show More
There is no dedication on this song yet.