Request Successful
Your request has been submitted and should be played shortly. Thank you! Would you like to add a dedication?
Lakas Fr. Dale Jairus
You need to to listen and request a song.
Lyrics
Araw-araw sa bawat oras na lumilipas
Tayo ay binigyan ng pagpipilian
Yun ay ang manatili sa kahinaan
O ang mas maging malakas

Hasain mo ang iyong sibat
Kamay mo ang iyong agimat
Takutin mo ang iyong takot
Sa dulo ka tumingin

Gumigiba ang iyong taglay
Buksan mo lang ang iyong malay
Pagdudahan mo ang iyong duda
Sa dulo ka tumingin

Balato ng buhay ang pagkakamali
Doon ka matututo bago ka magwagi
Tibayan ang utak ng 'yong pag-intindi
Bawat balakid ay may aral laging nakakubli

At kung sugat man ang bayad
Sa tikas ng pangarap kahit mahirap ay
Kakayanin ko

Ito ang alab ng puso
Laging handang
Ialay ang pawis at dugo
Hinding hindi sumusuko
Laging babangon
Sa tuwing ako'y mabibigo

Ang dibdib mo magdidikta
Kung san mo nais kang makita
Utakan mo ang iyong isip
At ibuhos ang lakas

Balato ng buhay ang pagkakamali
Doon ka matututo bago ka magwagi
Tibayan ang utak ng 'yong pag-intindi
Bawat balakid ay may aral laging nakakubli

At kung sugat man ang bayad
Sa tikas ng pangarap kahit mahirap ay
Kayang kaya ko

Ito ang alab ng puso
Laging handang
Ialay ang pawis at dugo
Hinding hindi sumusuko
Laging babangon
Sa tuwing ako'y mabibigo

Laging dapat bukas mas malakas
Di baleng lumagpas
Wag ka lamang umatras
Laging dapat bukas mas malakas
Di ako mapipigilang lumipad ng pataas
Laging dapat bukas mas malakas
Di baleng lumagpas
Wag ka lamang umatras
Laging dapat bukas mas malakas
Di ako mapipigilang lumipad ng pataas

Laging dapat bukas mas malakas
Laging dapat bukas mas malakas
Laging dapat bukas mas malakas
Mas malakas, mas malakas

Ang umpisa ng lakas
Ay manggagaling sa taas
Ang umpisa ng lakas
Ay manggagaling sa taas

Ito ang alab ng puso
Laging handang
Ialay ang pawis at dugo
Hinding hindi sumusuko
Laging babangon
Sa tuwing ako'y mabibigo

rakista.com/radio
.....
Show More
Song Dedications
todo na ang volume mga brader... para sa kagitingan ng ating mga bayani...
November 17, 2020
Paawer sa inyong lahat. Keep safe
pampagana mag work
November 11, 2020
November 5, 2020
Dedicated to myself. ??
Lakas para sa lahat ng mga tao dito sa mundong ibabaw!
November 3, 2020
October 31, 2020
To all vloggers this is for you :)