Loading ...
" />
KALANGITAN Kahapon lang ay nakilala mo ako Di inasahang bibigay ang loob ko Ano ang sasabihin? Hindi na malilihim Pagbigyan ang tibok ng puso ko Kahapon lang ay sinagot mo na ako Tila naglaho ang lungkot sa mundo ko Wala nang hahanapin Ikaw ay laging akin Mananahimik na ang mundo ko Hindi na mapipigilan Dumating man ang kinatatakutan ko Aking bituin sa kalangitan Dinggin mo ang ningning ng pagibig ko Wag dilimin Kahapon lang ay iniwan mo ako Di inasahang lilisan ang tulad mo Ano ang sasabihin Para manatiling akin Iba na ang sigaw ng puso mo Hindi ba mapipigilan? Dumating na ang kinatatakutan ko Aking hiling sa kalangitan Ibalik ang ningning ng pagibig mo Muli… Oh ano ang gagawin ko Oh kay pait ng magisa sa mundo Oh maghihintay ba ako Kung babalik muli… Words & Music: Troy John Alcala