" />
Request Successful
Your request has been submitted and should be played shortly. Thank you! Would you like to add a dedication?
Layag
You need to to listen and request a song.
Lyrics
Layag
by: Meltedrock
Alternative Rock

Butas na ang bangka pinasok na ng tubig.
Pano ka sasagwan kung malawak ang karagatan,
Wag mong hahayaan malunod ka ng tuluyan,

Hihintayin pa ba natin na malubog sa malalim
Tutuloy pa ba tayo kung mawawala lahat sayo. 
Kanino ka aasa kung lahat walang tiwala.

Chorus
Ilayag na ang bagong mundo 
Sa katig ng liwanag maglalakbay na tayo
Pigilan ang paghinga iwanan ang problema 
Sundan ang landas ng pag asa,
Pighati sa dibdib ilabas mo na,
Pagdaong sa pangarap taglay na hinahanap na ganda matatanaw nyo na.

(Repeat the Chorus)

Matatanaw niyo na.. 2x


Rap Verse:
Hindi mo kaya languyin ang lawak ng karagatan ang tulog mong diwa gisingin mo ng kaalaman.
Wag mong hintayin ang lason kumalat sa katawan,
Habang may liwanag pa dilim ay iyong tuldukan.

Kaya sa bangka ng pagsubok wag mag patangay sa agos.
Pilitin mong bumangon sa pagkalunod ay umahon,
Wag kang mag tulog-tulugan ang bango-ngot ay takasan,
Subukang harapin at baguhin ang kapalaran.

Ang mga pagkakataon na nasayang hindi muna to kaya pang balikan.
Wag mu naring hintayin na malunod anurin at malubog sa putikan. 

Balikan mo ang mga nagdaan  alalahanin ang nakaraan kung sa isipan ay may katanungan,
malalaman ang mga kasagutan.

Wag mong talikuran ang katotohanan,
Wag nang palalimin sugat ay lunasan.
Ang pangarap mo ay iyong panghawakan,
Sundan ang liwanag ng kasarinlan.

Wag nang mag isip o mag alangan ngayon palang iyo nang tuldukan.
.....
Show More
Song Dedications
October 14, 2021
Goody ?