Loading ...
" />
Magkakatagpo (Troy Alcala) O giliw ako’y nawawala. Kapag hinahanap ka oh ang hirap mong makita Wala man akong karapatan, sundan ka kahit na kung saan Basta’t ang importante ikaw ay aking masamahan Kung ok lang sa’yo, Hinding-hindi na lalayo Maging sino man ang masalubong mo sa daan ay nandiyan pa rin ako Umaraw man at umulan, Ang byahe nati’y walang hanggan Maging mula sa Cavite hanggang sa Antipolo Kahit na anong layo alam kong tayo ay magkakatagpo Kahit saan ka man magtungo Ikaw ay nandirito sa umaga sa gabi maging sa panaginip ko Hangang do’n lamang, oh hanggang do’n lamang ba O sabihin mo sinta paniginip ko’y magkakatotoo ba? Kung ok lang sa’yo, Hinding-hindi na lalayo Maging sino man ang masalubong mo sa daan ay nandiyan pa rin ako Umaraw man at umulan, Ang byahe nati’y walang hanggan Maging mula sa Cavite hanggang sa Antipolo Kahit na anong layo alam kong tayo ay magkakatagpo Kailan ba darating ang araw na ang susi ng locker ng puso mo’y makuha ko na? Kapag ikaw ay wala, bag ko sa locker ay nag-iisa Walang makasamang bag na tulad niya Parang, parang puso kong baliw Di magkamaliw, nag-iisang tumitibok, lumalagabog… Kung ok lang sa’yo, Hinding-hindi na lalayo Maging sino man ang masalubong mo sa daan ay nandiyan pa rin ako Umaraw man at umulan, Ang byahe nati’y walang hanggan Maging mula sa Cavite hanggang sa Antipolo Kahit na anong layo alam kong tayo ay magkakatagpo Alam kong tayo ay magkakatagpo