" />
Request Successful
Your request has been submitted and should be played shortly. Thank you! Would you like to add a dedication?
Bagabundo
You need to to listen and request a song.
Lyrics
Mata’y nakamulat sa salat na kapalaran
Luha sa mukha ay ‘di mabilangan ang bakas!
Galit sa paningin tumatama kaninuman
Inihahayag bakit ako’y naiiba ng buhay sa kanila
Parehas ng mundong kinalalagyan
Ngunit bakit estado’y di pinaburan
Sinusukat ng mata ng iba ang halaga
Na tila hindi naisip na ika’y tao din naman
Tao din naming may puso’t kaluluwa

Masakit mang isipin
Lumuha man ng bato’y di mababatid ang hinagpis ng damdamin
Magalit man sa mundo’y magiging kasalanan pa sa iba
Sa ibang walang malasakit

Sinisigaw hustisya sa binging sangkatauhan
Handing mamaos para sa kaginhawaan
Ngunit kahit na isama ang kapatid sa paghihirap
Mananatili kang dilat sa sitwasyong kinasasadlakan

Naghangad ng mabuti, gumawa ng mabuti
Inayos ang buhay pati ang sarili
Ngunit kasabay na umiral ang ganid na paligid
Pangarap na tinahi unti-unting ginugupit

Sinisigaw hustisya sa binging sangkatauhan
Handing mamaos para sa kaginhawaan
Ngunit kahit na isama ang kapatid sa paghihirap
Mananatili kang dilat sa sitwasyong kinasasadlakan

Ngayon n’yo sabihing lahat tayo ay pantay-pantay
Kung ito naman ay walang saysay
Ngayon n’yo sabihing lahat tayo ay iisa
Kung ang tingin n’yo sa amin kami’y hampas-lupa

Sinisigaw hustisya sa binging sangkatauhan
Handing mamaos para sa kaginhawaan
Ngunit kahit na isama ang kapatid sa paghihirap
Mananatili kang dilat sa sitwasyong kinasasadlakan

Nabuhay kang mahirap, mamamatay kang mahirap
Ditto sa Pilipinas mong mahal!
.....
Show More
Song Dedications
November 13, 2018
Suporta para sa mga kapatid! PAHINA!