Loading ...
" />
[Kapitulo - GAT] Intro: Inaalay namin 'tong kantang to para sa mga BAYANING buhay man o patay na, sa lahat ng ULIRAN at HUWARAN na handang isakripisyo ang kanilang mga buhay alang-alang sa kanyang PAMILYA, ANAK, KAPATID, MAGULANG at sa kanyang INANG BAYAN Stanza I: walong taong serbisyo walong taong pananabik sayo 'di alintana ang nginig ng tuhod sa pagtatrabaho handang isakripisyo puso't isipan mawalay man sayo mabigay lamang sayo hangad na buhay maiahon lang kayo Pre chor I: papasukin ang lahat gagawin ang lahat walang pakialam sa sasabihin ng iba Chorus I: Sapagkat iyong inalay ang buhay (para sa) Sapagkat iyong binigay ang buhay (para sa) Sapagkat iyong hinandog ang buhay (para sa) Sapagkat iyong inalay ang buhay (para sa) pamilya, (para sa) 'yong anak, (para sa) kapatid Stanza II: sampung dekadang serbisyo sampung dekadang pananabik sayo 'di alintana ang hirap at pagod sa pagtatrabaho handang isakripisyo ang buhay at layaw sa pangingibayo mabigay lamang sayo maayos na buhay na pangarap sayo Stanza III: isang milenyong serbisyo isang milenyong magtatanggol sayo 'di alintana kaakibat na parusa na maihahatol handang isakripisyo dugo at buhay makalaya lang tayo mabigay lamang sayo hangad na kalayaan at ating kasarinlan (instrumental) GAT! GAT! Bridge: hindi mo ba naiisip? hindi mo ba nababatid? kanilang paghihirap at pasakit ikaw ba'y walang malasakit? (2x) (repeat Pre chor I) Chorus II: Sapagkat iyong inalay ang buhay (para sa) Sapagkat iyong binigay ang buhay (para sa) Sapagkat iyong hinandog ang buhay (para sa) Sapagkat iyong inalay ang buhay (para sa) pamilya, (para sa) magulang, (para sa) 'yong bayan. =============================================================