Request Successful
Your request has been submitted and should be played shortly. Thank you! Would you like to add a dedication?
Patunayan
You need to to listen and request a song.
Lyrics
[Intro]
Papatunayan ko na ako lang sa'yo, 
Hinubog mo’ng buhay ko ng pag-ibig mo.

[Verse 1]
‘Di na masusukat sandigan kong taglay.
Magalit man ang langit, 
‘Di matitinag ang kulay.
Diwa ko'y mamulat matapos ang gulo.
Saan man dalhin ng hangin, 
Papadpad pa rin sa'yo.

[Pre-Chorus]
Makinig kang mabuti.
Buksan nang mapakinggan ng puso mo
Ang dapat mong malaman.

[Chorus]
Papatunayan ko na ako lang sa'yo, 
Hinubog mo’ng buhay ko ng pag-ibig mo.
Mamahalin kita, sa puso ko nand’yan ka.
Maiintindihan mo rin ako.

[Verse 2]
Pinanggalingan ma'y magkaiba, 
Tadhana natin ay iisa.
Ito ang sarili nating yugto, 
Bakit pa ako lalayo?

[Pre-Chorus]
Makinig kang mabuti.
Pangakong walang ibang mas mahalaga, 
‘Yan ang dapat na paniwalaan, paniwalaan.

[Chorus]
Papatunayan ko na ako lang sa'yo, 
Hinubog mo’ng buhay ko ng pag-ibig mo.
Mamahalin kita, sa puso ko nand’yan ka.
Maiintindihan mo rin ako.
Papatunayan ko na ako lang sa'yo, 
Hinubog mo’ng buhay ko ng pag-ibig mo.
Mamahalin kita, sa puso ko nand’yan ka.
Maiintindihan mo rin ako.

[Outro]
Kay tagal kitang hinanap, 
Halos ikamatay.
Nakaukit ka sa aking palad.
Mawalay ka, mawalay ka, 
‘Di ako papayag.
.....
Show More
There is no dedication on this song yet.