Request Successful
Your request has been submitted and should be played shortly. Thank you! Would you like to add a dedication?
Balang Araw
You need to to listen and request a song.
Lyrics
Mukhang hindi mo na siya nalilimutan
Tila dala mo pa bunga ng kanyang paglisan
At makikita sa mata
Ang pagka-wala ng sigla

Mukhang pinipilit mo lang ang ngumiti
Na `di naman nababakas sa `yong labi
At di ko na napupuna
Ang binibitawan mong tawa

Hayaan mo na lang ang pagpatak ng luha
Tulad ng ulan na dulot sa `tin ay baha
At balang araw ay makikita mo
Sa pagtila nito ay may pag-asa pa
Na naghihintay sa`yo

Mukhang nakakulong ka na sa ala-ala
Palayain mo`t ibuhos ang nadarama
At pagkatapos ng lahat
Wala na sa dibdib mo ang bigat

Hayaan mo na lang ang pagpatak ng luha
Tulad ng ulan na dulot sa `tin ay baha
At balang araw ay makikita mo
Sa pagtila nito ay may pag-asa pa
Na naghihintay sa`yo

Naghihintay sa`yo
Hayaan mo na lang (ang pagpatak ng luha)
Tulad ng ulan (na dulot sa `tin ay baha)
At balang araw ay makikita mo
Sa pagtila nito ay may pag-asa pa
Na naghihintay sa `yo
Naghihintay sa `yo
Balang araw
.....
Show More
There is no dedication on this song yet.