Request Successful
Your request has been submitted and should be played shortly. Thank you! Would you like to add a dedication?
Padayon (Joey Ayala Cover)
You need to to listen and request a song.
Lyrics
Isang basong tubig galing sa poso
inutang na kanin at malamig na ginamos
kaunting asin sa plastik na platito
busog na bay, puwede nang magtrabaho

Sa aking balikat ay papasanin
tatlong-daang kilo ng asukal
limandaang sako ng denorado
sanlibong kaha ng delata
sampung tonelada ng arina

Kalawanging bubong, pader na may butas
posteng pilay at sahig na paduyan-duyan
ang aking palasyo`y pagkatibay-tibay
pero puwede na `pre - tuloy ang hanapbuhay

Ngayong araw ay tatapusin ko
isang subdibisyon, limampung hektarya
tatlong dosenang mansyon na magara
higanteng gusaling likha sa semento
kilo-kilometro ng kalsada

Oo, kay tamis ng buhay
oo, kay daling umasenso
hangarin ko`y makatikim
ng kaunting hayahay
subalit kailangang ipagpatuloy ang hanapbuhay

Pagkat walang ibang
makagagawa nito
paandarin ang makinarya
bigyan ng buhay ang industriya
patakbuhin ang ekonomiya
padayunon ang pagpangita
Padayon . . .
.....
Show More
There is no dedication on this song yet.