Request Successful
Your request has been submitted and should be played shortly. Thank you! Would you like to add a dedication?
Tuwing Umuulan At Kapiling Ka
You need to to listen and request a song.
Lyrics
[Verse 1:]
Pagmasdan ang ulan,
Unti-unting pumapatak sa mga halama`t mga bulaklak
Pagmasdan ang dilim,
Unti-unting bumabalot sa buong paligid t`wing umuulan.
Kasabay ng ulan bumubuhos ang `yong ganda,
Kasabay rin ng hanging kumakanta
Maari bang huwag ka na
Sa piling ko`y lumisan pa hanggang ang hangi`t ula`y tumila na

[Chorus:]
Buhos na ulan, aking mundo`y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo,
`Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko`y umaapaw,
Damdamin ko`y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

[Verse 2:]
Pagmasdan ang ulan,
Unti-unting tumitila
Ikaw ri`y magpapaalam na
Maari bang minsan pa, mahagkan ka`t maiduyan pa
Sakbibi ka`t ulan lamang ang saksi

[Chorus 2:]
Minsan pa ulan bumuhos ka`t h`wag nang tumigil pa
Hatid mo ma`y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko`y umaapaw,
Damdamin ko`y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
(Oooohhh)

[Bridge:]
Maari bang minsan pa, mahagkan ka`t maiduyan pa
Sakbibi ka`t ulan lamang ang saksi

[Chorus 3:]
Buhos na ulan, aking mundo`y lunuring tuluyan
Tulad ng pag-agos mo,
`Di mapipigil ang puso kong nagliliyab
Pag-ibig ko`y umaapaw,
Damdamin ko`y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka

Minsan pa ulan bumuhos ka`t h`wag nang tumigil pa
Hatid mo ma`y bagyo, dalangin ito ng puso kong sumasamo
Pag-ibig ko`y umaapaw,
Damdamin ko`y humihiyaw sa tuwa
Tuwing umuulan at kapiling ka
.....
Show More
There is no dedication on this song yet.