Request Successful
Your request has been submitted and should be played shortly. Thank you! Would you like to add a dedication?
Ang Huling El Bimbo
You need to to listen and request a song.
Lyrics
Kamukha mo si Paraluman
No`ng tayo ay bata pa
At ang galing-galing mong sumayaw
Mapa-Boogie man o Chacha

Ngunit ang paborito
Ay pagsayaw mo ng El Bimbo
Nakakaindak, nakakaaliw
Nakakatindig balahibo

REFRAIN 1
Pagkagaling sa `skwela ay didiretso na sa inyo
At buong maghapon ay tinuturuan mo ako

CHORUS
Magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay
Na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay

Naninigas aking katawan
`Pag umikot na ang plaka
Patay sa kembot ng bewang mo
At pungay ng `yong mga mata

Lumiliwanag ang buhay
Habang tayo`y magkaakbay
At dahan-dahang dumudulas
Ang kamay ko sa makinis mong braso, hooh

REFRAIN 2
Sana noon pa man ay sinabi na sa iyo, hoh
Kahit hindi na uso ay ito lang ang alam ko

(CHORUS)

La la la la, la la, la la, la la la

Lumipas ang maraming taon
`Di na tayo nagkita
Balita ko`y may anak ka na
Ngunit walang asawa

Tagahugas ka raw
Ng pinggan sa may Ermita
At isang gabi`y nasagasaan
Sa isang madilim na eskinita, hah

REFRAIN 3
Lahat ng pangarap ko`y bigla lang natunaw
Sa panaginip na lang pala kita maisasayaw

(CHORUS 2x)


La la la la, la la, la la, la la la [2x]
.....
Show More
Song Dedications
October 26, 2020
????
Ang huling elbimbi ni shane meownight
October 26, 2020
April 26, 2020
.