Request Successful
Your request has been submitted and should be played shortly. Thank you! Would you like to add a dedication?
Resbak
You need to to listen and request a song.
Lyrics
(First Verse)

Resbak! Una pa lamang na sinabi, 
na minsan may tamang araw ang pag-ganti
Ilang taon na inipon upang makabangon 
sa pait na idinulot ng marahas na kahapon
ang paglaon ng dugo ay pilit na binabawi 
sa pagpawi ng sakit galit at puot ang kahati
pinag-ipunang mabuti ang paghihiganti, 
gayon sa muling pagkikita, gulo ang makikita
Hali ka, at sama-sama natin 'tong pasukin, 
ang masupil ang mundo ng mga tila umangkin
ng dapat na sa akin, biglaan ng inagaw, 
sa pagsikat ng araw init sa mata ay aapaw.
Saksihan ang usapan ng malupit na bagsakan
sa tinig na tila tumatawag kay kamatayan
ang kamalayan ng pagkikita ng harapan, 
ihanda ang mga sarili umpisahan ang wasakan!

(CHORUS:)

Natumba ka kaibigan bumangon ka kapatid
oh 'wag na mag-alinlangan, 'di pa tapos ang laban.
Natumba ka kaibigan, bumangon ka kapatid
'di pa tapos ang laban, resbak ang kailangan.

(Second Verse)

Pawis dugo ang puhunan sa pakikipag digmaan,
 sa magkabilang dulo ay biglang magsasalpukan
at palitan ng galit sa mabagsik na tugmaan, 
subukan mong tignan ang aking karanasan.
Tanong ko lang, may kwenta ba ang pinag-lalaban?
 Na halos dumanak ang buhay dahil sa kapatiran
maliban sa pag-agos ng gulo nakakalito, kung ano
ang uunahin halika na at basahin
ang buhay ng isang makata na lumaki sa yapak, 
pagkain yaman at tirahan ay tila salat
nabuhay na ang kaibigan ay pekeng kapatiran 
nagtatanong sa sarili “nasan ang kalayaan?”
at ang kapayapaan ay  wala sa kanyang isipan
nagpupumiglaslumabas sa anino nyang kulungan
puot at pasakit ay tila laging narito, dahil hindi pa natatapos ang gulo!

(REPEAT CHORUS)
.....
Show More
There is no dedication on this song yet.