RiDz Solomon
Mga Rakista! Kumusta ka? Alam naming hindi biro ang hirap ng buhay ngayong pandemya, kaya naman walang sawa naming hihilingin ang inyong kaligtasan at kalusugan.
Dahil sa patuloy na dala ng Covid-19, ang
#RakrakanFestival ay hindi muna magaganap ngayong taon. Hindi ito ‘yong inaasahan nating mangyayari, pero ang pinaka-importante sa ngayon ay mapanatiling ligtas ang kapwa nating rakista, staff, artists, at lahat ng kasama sa festival.
Ang pagkawala ng Rakrakan Festival ngayong taon ay talagang mahirap para sa’ting lahat, pero tayo ay babangon at babalik sa susunod na taon. Hindi na kami makapaghintay na makasama kayong mag-slaman, mag-headbangan, mag-sayawan, at mag-kantahan.
Naiindindihan at nararamdaman namin ang inyong pagkadismaya dahil marami sa inyo ay sabik na sabik nang bumalik sa moshpit. Kami ay nagpapasalamat sa inyong patuloy na suporta, pasensya, at katapatan. Binabasa namin ang inyong mga mensahe at komento, nakikinig kami at naiintindihan ang inyong mga lungkot at galit.
Ang lahat ng 2020 tickets ay VALID pa rin para sa Rakrakan Festival 2021. Kaya naman nakikiusap kami na itago ang tickets ninyo. Sa mga nagtago ng ticket, maraming salamat! Malaking bagay ang inyong suporta para makabangon at makabalik tayo. Para sa inyo ito, mga Rakista! Tayo ay nabubuhay ngayon sa panahon ng pagsubok. Sa kabila ng pandemyang ito, kami ay naniniwala na ang kultura ng Rakista ay hindi mabubuwag, tayo ay malakas, tayo ay nag-kakaisa, tayo ay matatag, tayo ay babangon. Ikaw, Rakista, ang puso at kaluluwa ng Rakrakan Festival. Kung wala kayo, walang Rakrakan Festival. Ang ating komunidad ang tumatayong pundasyon kung bakit namin ‘to ginagawa. Sa mga naka-saksi ng paglaki ng Rakrakan Festival, ibinigay namin ang lahat para sa kultura na ito at narito kami para mag serbisyo para sa rakista, mga banda at artists, para sa OPM!
Tulad nga ng laging sinasabi ni Jamir— "Mga Rakista! WE ARE ONE, for Peace, Love, and Music!”
Ang Rakrakan Festival ay gaganapin sa susunod na taon, posibleng June-July 2021—ito ay p’wede pa ring magbago. Meron ng vaccines na lumalabas, kaya naman kami ay naniniwala na paunti-unti na tayong makababalik sa normal.
Sa mga gustong magrefund ng tickets, mamimiss namin kayo! Para sa mga tickets na binili sa SM Tickets pwede ninyo itong i-refund sa SM Tickets. Para sa detalye visit: @SMtickets o tumawag sa 84702222 o email
[email protected]
Iyam Araracap likes this.