Ako si Krisna C.Tres Reyes, pinanganak ako nung June 20, 1987 sabado sa oras na 7:00pm. Nag-iisang babae ako sa pamilya namin. Mga ayaw at gusto ko? ayaw ko ng itim na soda, kahit anong inumin basta wag lang itim. di ako umiinom ng alak. mahilig akong gumala, maingay na tao ako, ayaw ko ng tahimik na lugar (nakakalungkot pag tahimik), madali daw akong mag-karoon ng kaibigan, makilala ko lng daw in miliseconds friend ko na (sabi ni kuya donie), ayaw kong may kaaway. pero mahilig akong mang-away. tatlong beses ako kumain sa isang araw, mahilig akong kumain. di ako mahilig manuod ng tv, pag may magandang palabas lang. 512mb lang memory capacity ng utak ko. 50kb palang laman, (^^,) di ko masyadong ginagamit kac ayaw kong ma-over use. (para mahal pa pag bibilhin) nag babasa ako ng libro pag trip ko yung kwento. marunong akong mag luto, pasta gusto kong kainin at lutuin. mahilig akong gumawa ng kahit anung bagay (manahi, mag tatak ng damit, mga abubot sa katawan) mahilig ako sa art (isa lang di ko natutunan... ang mag drawing). ayoko ng maarte, lalo na ung maarte mag salita (nakakarindi sa tenga). sabi nila one of the boys daw ako. (ayon kay kuya tok at opinion nilang lahat yon), first impression nila sakin (tibo daw ako). parang lalaki daw kasi ako mag lakad. di ako mahilig sa mga kikay gamit ng babae, bibili ako pero di ko nagagamit, tinatambak ko lng sa bahay. (burara ako sa gamit ko T_T ) di ako nakakatulog agad pag wala akong kasama sa kwarto. takot ako sa dilim. mahilig ako sa music. favorite artist ko si pink at alanis. emo, altenative, balad, hiphop, folk, progressive, metal, kanta ng adik mga pinakikingan kong tugtugin. madali akong magmahal takot akong masaktan (lahat naman ng tao ayaw un). moody ako, 4-5 beses mag palit mood ko sa isang araw. madalas kong mood.. masaya. kulangot ako sa maraming bagay. kagaya nga ng sabi ko 512mb lang utak ko. marami akong gustong malaman. kung bakit milky way ang tawag sa "milky way" di naman gawa sa gatas un. ung mga bagay na di naabot ng utak ko. kulangot din ako sa math, pero management accounting ang course ko. may isa lang akong gustong magawa sa buhay ko, pag nagawa ko yon pede na cguro akong mamatay. marami akong lihim.. may mga bagay na mahirap makita ng dalawang mata, kahit sampu pang mata. favorite movie ko, 50 first dates, notebook, big fish, juno, never ending story, buttefly effect. ayaw ko ng ampalaya ng durian ng peras. wala akong sence kausap, kukula-kulangot ako eh. tatanga-tanga ako sa maraming bagay. malapit ako sa disgrasya, adik, holdaper, baliw yan ung mga taong trip ako. (^^.) paborito kong kulay pink, green, violet, black. 1 beses isang araw ako maligo. di ako mahilig sa matamis. di ako kumakain ng seafood, kahit anong klase, crab, hipon, kahit anong pag kain na seafood flavor. dati akong kumakanta sa simbahan. (di ako mabait) marami akong takot. takot ako sa nanay at tatay ko, sa kapatid kong bunso, sa kuya ko, sa kapit bahay naming c erap. di ako takot sa ipis ayaw ko lang ng lumilipad na ipis. pag malungkot ako di ko na napipili ung lugar, basta pag papatak na luha ko naiiyak ako kahit sa marami pang tao, pero pinipigilan ko. wala na akong maisip pag may naisip pa ako itutuloy ko nalang. ^^,