Sign Up
RAKISTA helps you connect and share music with the people in your life.

Short Stories

Viewing Single Post
Thread: Short Stories
ICE said...

[short story] ang usok na'to at ang pagibig mo (part 1)
by tranquildarkness (me)

Isang ordinaryong araw noon. Oras na ng aking uwian. Naglakad ako sa daanang lagi kong dinadaanan galing sa skwela. Onting lakad nalang at makakarating na ako sa LRT na maghahatid sakin sa aking tahanan. "Ayaw ko pa umuwi, napaka-aga pa" sabi ko sa sarili ko. Habang naglalakad ay madaming nadadaanang tindahan ng yosi at kendi. Napakapait ng aking panlasa, dahil sa ilang oras na pananahimik sa klase at sa jeep.

Sa huling tindahan na nadaanan ay nakumbinsi ko ang sarili ko na bumili ng kendi. Paghablot ng kendi at pag abot ng bayad ko ay napansin ko ang isang nakalawit na stick ng yosi. Napaisip ako, "ano ngabang meron dito at andaming nahuhumaling dito?",sabay balik tanaw sa mga concert na napuntahan ko. "Pati na nga po nito",pakaba kong sabi sa tindera habang tinututok ang aking hintuturo sa sigarilyo. Kinakabahan na nilagay sa aking mga labi. Baka kasi may makakita saikin at isumbong ako. Inipit ko ito sa aking labi at sinubukang lasahan ang dulo ng upos. Habang nilalasahan ko ito ay sabay abot sakin ng nagbabagang lighter ng tindera.

Hindi ako marunong magsigarilyo noon,pero alam ko kung pano magsindi dahil naninigarilyo ang lolo, lola at tito ko noon. Sa pagtapat ng apoy say sabay hithit ng malalim. Umalab na ang yosi at nagpatuloy akong naglakad. "hit-hit buga" ang stilo ko noon. Kasabay nang mababaw na pag hithit ay ang pasabog na buga ng sigarilyo. Paulit ulit kong ginawa ang ganun, hanggang maubos ang stik. Bumili pa ako ng yosi at patuloy na ginawa ang hithit-buga. Nagaastang marunong habang nadadaanan ang mga matatandang naninigarilyo din.Feeling ko, astig ako nun, muka pala akong t@nga.

Dumaan na ang buwan, di parin nasagot ang aking tanong na kung bakit nakakawili ang yosi. Pagkatapos ng tanghaliaan ay lumayo ako sa aking barkada. Bumili uli ako ng yosi at kendi. Ipinuwesto muna ang kendi sa aking dila habang biglang lumabas na isip ko ang napanood ko sa laban ni Packman at El Terible. " TING!! round 2!"

Ganun uli ang nangyari, hithit-buga, hanggang mapansin ako ng isa kong barkada. " HAHAHA! nagyoyosi ka na rin?". Sinagot ko lang siya ng isang ngiti. " Hindi ganyan! Ganito oh!" sabay hingi sakin ng aking yosi. "Hithit, tapos hithit uli, para diretso ang usok". Tinignan ko sya habang humithit. "O diba, diretso?". "Saka wala kang mararamdaman pag dyan lng" lanuang dagdag. Ginaya ko ang kanyang ehemplo na may halong onting ubo pa. Naramdaman kong nahihilo na ako, ubos na pala ang yosi ko.

Pagkatapos nun ay naging pampalipas oras ko na yun. Magulo sa pakiramdam. Nakakahilo pero gusto mo pa. Alam mong nakakamatay pero sige pa rin. Pangporma o pang-alis ng problema, sige pa rin ang asta. PArang pag-ibig, namamatay kana, pero tuloy parin sa paghithit sa kasinungalingang dala niya. Masarap pero masakit, nakakahilo pero masarap sa pakiramdam. Ang pag-ibig ay parang yosi na panghabang buahy kong hihithitin.

-end-

from the author:
i pretty much happy and proud about this work of mine. It did not won any awards or something but the praises i got from the oldies was already great <!-- sicon_razz --><img src="{SMILIES_PATH}/icon_biggrin.gif" alt="icon_razz" title="Very Happy" /><!-- sicon_razz -->
here's the link:
[url]http://www.rakista.com/v1/viewtopic.php?t=14506[/url]



astig. icon_razz
hate hate hate
All times are GMT +8. The time now is 9:46 am.