Sign Up
RAKISTA helps you connect and share music with the people in your life.

My experience as a Punk Rocker

Hello mga kapatid!

Ian here, AKA "Phin" dati akong gitarista sa isang punk na banda.
Ang lyrical themes namin ay focused sa Ramones style and The clash style. Gustong gusto ko mag sex pistols type nun kaso ayaw nila.
Napakaganda ng Genre na sakop ng PUNK. At onga pala... hindi ito basta-basta tugtog lang it's a lifestyle...
A WAY OF LIFE ika-nga ng mga quotes. Pero trust me, totoo yun...
Hindi mo kailangan ng Mohawk, makulay na buhok, mga corporated jackets na tadtad ng patches na binili mo sa recto (di ko naman sinasabi na wag mong gawin yun...) Pero siyempre as a punk D.I.Y. dapat.
Yung Electric guitar ko nga mumurahin lang pero inayos ko at inadjust... BOOM! Tumagal siya hanggang ngayon (since 2010)
Ngayon, tengga ako... Naghahanap ng mga kabanda. Kaso mahirap!
Alam ko na Dying scene na ang Punk Rock, pero naniniwala ako na balang-araw makikilala ulit ito.
Personal na opinyon ko lang ito kaya wag kayong magalit sakin.
Ang punk ay namatay dahil yung mga tao ay masyado itong sineryoso (mainly mga punks din ang may kasalanan... please don't hate me xD)
Kasi diba, ginawa ito para maging statement mula sa underground. Pero ang ibang punks gusto maging sikat na sikat. Yung iba naging sell-out, pinag-palit ang genre at yung iba naman nag-sawa dahil forever underground sila.

Anyway, back to the topic...
Naranasan ko nang layuan ng mga tao Ma-discriminate (biruin mo sa Rakrakan fest 2011 tinawag kami ng ibang Rakista na poser, porket suot ko Ramones T-shirt tapos torn jeans... it's all about the music kaya di ko nalang pinansin. Alam kong walang tutugtog na punk nun pero, siyempre gusto ko ma-expose ang image ng punk kaya pumupunta ako)
NOTE: di ako nagbayad ng entrance, kasi yung kaibigan ng tatay ko ay may stand ng business sa event na yon kaya nakalibre ako. Naranasan ko na rin mawalan ng kaibigan at kung anu-ano pang weird na pangyayari. Pero di ko pinansin yun dahil alam kong sa pag-pili ko ng ganitong buhay marami akong isusugal. Pero wala eh, eto ako... isang proud na Punkista mula sa QC. Kung sino man ang interested gumawa ng Punk Rock Community, or kung sino man ang meron na. Interesado po ako at gusto kong ipakita sa Pilipinas ang totoong meaning ng "Punk's NOT dead!" n_banghead

Alam ko, wala akong karapatan mang-husga pero personal kong opinyon yun... hahaha! Anyway, I love punk rock and I believe that PUNK IS NOT DEAD! (although nakikinig ako ng Thrash Metal pero anyway...)
Gusto ko lang i-share yung nalaman ko at na-experience ko sa inyo. AT PLEASE WAG KAYONG MAGALIT SAKIN icon_smile

TAKE CARE!!! n_slam
Thrash 'till deth! \,,/
Pre still looking for a band? Pm mo ko icon_smile
,, vocal ako pre,,,,
All times are GMT +3. The time now is 12:18 pm.