Sign Up
RAKISTA helps you connect and share music with the people in your life.

Panawagan Ng Isang Pasimulang Manager Ng Banda

Manager ako ng isang banda na ang pangalan ay Papapeta. Isa kang OPM Rock band tubong UST. Hindi kami tulad ng ibang indie bands na kasabayan namin, gusto namin Pilipinong-Pilipino talaga yung dating ng mga kanta namin.

Kahit mukang mayaman pakinggan yung "manager" e hindi ako big time. Bestfriend ko lang yung vocalist at tropa ko yung buong banda. Isang araw inaya nila ako na maging manager ng pangalan nila. Simula noon tinutulungan ko na sila sa mga promotions at production nila.

Nakikilala na kami sa UST. Kaya nga noong naghahanap ng top 3 acts ang MCA (Universal Music PH) sa UST, isa kami sa tatlong napili.

Minsan lang kami nagkakaron ng opportunity na mapansin ng ganito. Gusto sana namin e makatugtog sa SM MoA. Kaya nga ginagalingan namin sa online contest ng MCA na ito kasi yun yung premyo. Pataasan daw ng views and likes sa YouTube.

>https://www.youtube.com/watch?v=Kr-HyD1nawQ

Panoorin nyo. Matutuwa kayo dyan. Ang galing ng composition at ng performance nila. Solid. Kung may YouTube kayo, paki-like narin. Makakatulong kayo ng malaki. Pag naging successful kami dito, dadami pa yung pwede naming magawa.

Salamat sa pagbabasa, kapatid.
Captcha Challenge