Sign Up
RAKISTA helps you connect and share music with the people in your life.

mula nung umibig ka...

by

mula nung umibig ka, hinayaan kita sa gusto mo.
sinuportahan pa nga kita.
kapag kailangan mo ng kasama andyan ako.
kapag nagku-kwento ka kung gaano kasalimuot ang current lovelife mo nakikinig ako,
kahit na alam kong mas deserving ako sa boyfriend mo makatamasa ng pagmamahal na binibigay mo.
kaya kapag naluluha ka, naluluha na din ako...
inaakay kita pagkatapos natin uminom, at minsan nasusukahan mo pa ako.

mula nung umibig ka, nawalan ka na ng oras kausapin ako.
na-miss ko yung oras na pwede tayong lumabas ng walang iniisip na malisya.
lumalapit ka na lang kapag masama ang loob mo or nag-away kayo ng boyfriend mo.
hindi ko na uli nakita yung maliwalas mong ngiti kapag nagkakasama tayo.
wala ka nang kwentong masaya.
palaging may kulang, palaging may downside...

mula nung umibig ka, naging busy ka na.
dahil siguro gusto mong maging independent mula sa sakit ng ulo na nararanasan mo sa boyfriend mo.
alam ko namang andyan ka na, at gusto mong ipag patuloy yung kung anong mayroon kayo.
pero sana naman maayos yung relasyon nyo.
sa totoo lang, naiinis ako kapag nalulungkot ka.
naiinis ako sa nangyayari dahil 'di mo deserve yan!
at naiinis ako sa'yo! gusto ko sabihin pero nauuna yung nararamdaman ko para sa'yo...


mula nung umibig ka, mag-isa na lang ako.
kahit sa phone or sa facebook, hindi na kita mahagilap.
gawa yata ng naghihigpit mong boyfriend na hindi ka na pakakawalan pa,
hindi na kita mababalik, malamang....
maganda nang hindi mo ito malaman,
wala din namang patutunguhan kung malalaman mo pa.
hindi kita hinayaang malungkot bilang kaibigan mo.

mula nung umibig ka, napagtanto ko na mahal pala kita.
ang tanga ko, hinayaan kita mapunta sa iba.
ayaw ko kasi masira yung pagsasamahan natin.
pero kung alam ko lang na ganyang klase lang ng relasyon ang mapapatunguhan mo,
kahit hindi ko nasabi, sana naparamdam ko na mahal kita...

Captcha Challenge