Sign Up
RAKISTA helps you connect and share music with the people in your life.

Interview with Mayonnaise



Please introduce the band?
hello! si monty to bokalista ng bandang mayonnaise! sa ngayon tinatapos na namin ang bagong album na lapit ng lumabas,at ako rin ay nag didiet na rin para maging pogee! haha..

How did everyone meet? Band history?
bali 2002,kami ni paga,at ni lee galing kami sa csb, dun kami nagaaral (si paga and lee graduate na) tas si shan kaibigan ng dati namin bassist, nagkasalo salo lang sabay jam jam,tapos yun na nagbanda na..

What differs you from other bands?
hmm..medyo malulusog kami kumpera sa iba hahaha sa tingin ko kami yung banda na tamang sarap lang jumam,mahilig lang talaga tumugtog kaya siguro andito pa kami, dahil naeenjoy namin ginagawa namin.

Who are your influences?
ako personally smashing pumpkins, nirvana, silverchair.. eheads, teeth, maya, sandwich, etc!! si paga foo fighters,hendrix,blink 182..si lee mahilig sa barbies cradle,no doubt,ace of base..si shan, tool apc..mga chevelle..

What describes your music? why this genre?
alternative rock siguro..di ako mahilig mag ibaiba ng tawag sa tugtugan eh..basta maingay na masarap sa tenga...rock yun!! hehehe..

How old are you guys? Are you still studying? Work? How are you balancing your time between the band and your studies/work?
ako pinaka matanda 23,tas si lee and paga 22..si shan 19 ata o 20..hehehe..si lee and si paga grad na, tas ako and si shan nagaaral pa..pero nagtratrabaho na rin ako..may sarili akong recording studio..tamang aral sa umaga, gig sa gabi..sa libreng oras trabaho..may kasama rin akong ibang engineer sa studio..

Biggest achievement to date?
siguro paglabas nung album na una, pati pagpanalo sa muziklaban..sobrang daming nangyari kasi na di namin inexpect na mangyayari samin..

What's your goal 5 years from now?
labas lang ng labas ng album..chaka dvd siguro nung banda..makatugtog sa ibang bansa!

What can we expect from your music, especially the lyrics?
simple lang siguro na may tinatagong laman..tamang mga kinakanta mo sa liniligawan mo o sa kaibigan mo na madali intindihin kasi sakto lang yung lyrics...

Who do the lyrics? What influences you in writing the lyrics?
ako rin sa lyrics...mga idol ko sa lyrics si daniel johns at kurt cobain..tas usually naiinspire ako sa tv and movies..

Should marijuana be legalized?
hahaha kanya kanyang trip yan!!!

Tell us about your latest album?
bali nasa unang album namin yung jopay,only thing,dahil pati bakit2 sana kuha kayo copy..sobrang saya nung time na rinecord namin yun..

When are you planning to release your next album? what differs it from your previous albums?
pangalan ng bagong album ay "Pano Nangyari Yun?" mga singles na lalabas sa album na yun ay Panaginip, Pano nangyari Yun? pati Sana Kung..sa album nato nagmature kami songwise and sa mga areglo mas pinagaralan namin mabuti..chaka mas personal yung lyrics! kaya sana kuha kayo ng kopya nung bagong album,

How do you feel about sellout bands, when bands become popular?
minsan timing lang talaga, may mga sincere na banda may mga hindi..sa dulo naman ng lahat magkakaalaman rin kung sino yung totoo at hindi, chaka respeto na rin kasi may karapatan rin ang audience o yung nakikinig na pumili ng banda na gusto nilang suportahan..kaya suporta na lang sa lahat. lahat ng totoo.

What have you learned so far, being in this band?
kailangan talaga inenjoy mo yung ginagawa mo para tumagal kayo,,chaka tumanaw ng utang na loob sa mga taong tumulong sayo at tumutulong sayo,masarap magbanda lalo na kung kaibigan mo yung mga kabanda mo.

So what bands have you been listening to lately?
local yung bagong sandwich,urban dub pati mga mp3s ng chicosci and queso na bago..sa foreign..silverchair parin, bagong album ni tom ng blink..Angels and Airwaves..Mae pati bago ng Taking Back Sunday.

For you what is true rakista?
yung kahit anong klase ng tugtugan eh sinusubukan pakinggan..pag di trip di pinapakinggan pero may respeto.

Any unforgettable gig/show experiences you have been encountered?
oo naman!! summer slam last year...pati mga out of town gigs..sobrang astig ng tao..unang kanta hanggang dulo sumasayaw at kumakanta!!

What can you say about people disrespecting or discriminating other bands especially in gigs and concerts?
kanya kanyang trip lang kasi talaga yan eh..habang tumatagal matututo rin naman mga pasaway eh.mas magiging masaya mga gigs pag maayos ang lahat.

CDs thieves, what can you say to them? Philippine Piracy?
di maiwasan eh, pero sana mabawasan naman kasi para satin lahat rin yun.

Favorite curse word?
bollshet!

What can you say about rakista.com?
astig! kasi nabibigyan pansin lahat ng banda indie man or signed..sobrang laking tulong nabibigay nyo para sa mga banda at pati na rin sa mga sumusuporta sa tugtugan!!

Any last message to rakista community?
astig kayo! pagpatuloy ang pagtangkilik sa musikang pinoy..respeto sa lahat!!

--end
   likes this.
Captcha Challenge